Duterte admin, pinaghihinay-hinay sa suhestiyong itaas sa 15% ang VAT

By Isa Avendaño-Umali June 21, 2016 - 09:57 AM

duterte chrPinayuhan ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang administrasyong Duterte na maghinay-hinay at pag-isipang mabuti ang mga suhestiyong itaas sa 15 percent ang kasalukuyang 12 percent na Value Added Tax o VAT.

Ayon kay Baguilat, marapat na magkaroon ng malawakang kunsultasyon sa naturang usapin lalo’t mabigat ang epekto nito pagbili ng publiko ng mga produkto o pagkuha ng serbisyo.

Bukas naman si Baguilat sa pagpabor ng gobyernong Duterte sa pagpapababa ng income tax upang mas malaki na ang take home pay ng mga manggagawa.

Gayunman, pangamba ng Kongresista, mababalewala lamang ang mababang income tax kapag itinaas naman ang VAT sa 15 percent.

Batay sa mga naunang report, opsyon ni incoming Budget Secretary Benjamin Diokno na maitaas ang VAT para matugunan umano ang mga pangangailangang pondo ng gobyerno.

TAGS: 15 percent VAT, 15 percent VAT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.