Ex-Defense Chief Teodoro ibinalik sa puwesto, Dr. Ted Herbosa sa DOH

By Jan Escosio June 05, 2023 - 07:42 PM

PCO PHOTO

May dalawang bagong miyembro sa gabinete ni Pangulong Marcos Jr. – si dating Defense Secretary Gilbert Teodoro sa dating puwesto at si Dr. Ted Herbosa naman ang bagong kalihim ng Department of Health (DOH).

Nagsilbi ng kalihim ng Department of National Defense (DND) si Teodoro sa ilalim ng administrasyong-Macapagal-Arroyo.

Samantala, si Herbosa naman ay naging undersecretary na sa DOH noong administrasyong-Noynoy Aquino, bukod sa naging special adviser sa National Task Force Against Covid-19 sa nakalipas na administrasyong-Duterte.

Pinalitan ni Teodoro si officer in charge Carlito Galvez Jr., samantalang si Herbosa naman ang pumalit kay officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Inanunsiyo din ni Pangulong Marcos Jr., na bibitawan na niya ang Department of Agriculture (DA) sa Oktubre pagkatapos ng gagawin na pagbabago sa organisasyon sa kagawaran.

TAGS: DA, DND, doh, herbosa, teodoro, DA, DND, doh, herbosa, teodoro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.