OFWs prayoridad sa plastic license cards ani LTO OIC Villacorta

By Chona Yu June 01, 2023 - 04:18 PM

Prayoridad ng Land Transportation Office (LTO) na mabigyan ng plastic drivers’ license cards ang mga papaalis na mga overseas Filipino workers

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni LTO officer-in-charge Hector Villacorta na ito ay para magamit ng mga OFW bilang government ID ang driver’s license.

Sa ngayon, nasa 53,000 na plastic driver’s license ang natitira sa LTO.

Sabi ni Villacorta, pinalawig na ng LTO ang validity ng mga expired na lisensya hanggang sa Oktubre 31.

“Sa ngayon ay nakatutok tayo sa urgent, iyong dalawang problema na inumpisahan nitong discussion na ito – iyong lack of license cards and plates of motor vehicles. 53,000 na lang nga iyong ating license cards eh ang solusyon diyan is in-extend natin iyong mga existing up to October 31 at iyon nga, iyong 53,000 priority muna iyong mga migrant workers,” pahayag ni Villacorta.

Aniya ipapakiusap na lamang nila sa mga traffic enforcers na ang validity ng expired na lisensiya ay hanggang sa Oktubre 31.

Una nang inanunsyo ng LTO na malapit nang maubos ang plastic card kung kaya papel na muna ang ilalabas na lisensya.

TAGS: Driver's license, laging handa, lto, OFWs, plastic, Driver's license, laging handa, lto, OFWs, plastic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.