Speaker Romualdez nagbilin ng pahinga sa mga kapwa kongresista
Ngayon nasa sine die adjournment ang dalawang kapulungan ng Kongreso, hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kapwa mambabatas na samantalahin ang pagkakataon para makapag-pahinga.
“As we close the first regular session, I wish that you will remain steadfast in your duty. Let us take this time to reenergize, reflect and reinvigorate our passion for public service,” ayon sa kinatawan ng unang distrito ng Leyte kasunod ng pagtatapos ng 1st Regular Session ng 19th Congress.
May halos dalawang buwan na pahinga ang mga mambabatas dahil magsisimula ang 2nd Regular Session sa Hulyo 24.
“Our nation deserves no less than our synergy and hard work. We have a lot of work ahead of us. By working together, we can help address these challenges and build a better future for our fellow Filipinos,” bilin pa ni Romualdez.
Ibinahagi din niya na nasisiyahan siya sa kanilang mga nagawa sa Kamara sa nakalipas na 10 buwan kasabay ng halos isang taon ng administrasyong-Marcos Jr.
“When I assumed the post as your Speaker, I invited each one of you to support and join me in fulfilling the aspirations of the Filipino people. For readily heeding this call, I express my sincerest gratitude to everyone,” sambit ni Romualdez.
“Each and every member of this august body truly deserves commendation for a job well done. Congratulations to all of us!” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.