BIR nahigitan ng P35-B ang April collection target

By Jan Escosio June 01, 2023 - 08:52 AM

INQUIRER PHOTO

Nakakolekta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng P336.020 bilyon noong nakaraang Abril.

Ito ay P35.114 bilyong mas mataas sa kanilang collection target at mataas ng P96.416 bilyon sa kanilang nakolekta noong Abril ng nakaraang taon.

Simula noong Enero hanggang Abril, kabuuang P841.179 bilyon ang nakolekta ng kawanihan at mataas ng P98.8 sa nakolekta sa katulad na panahon noong nakaraang taon.

Mas mataas ito ng P14.319 bilyon sa kanilang target  collection sa unang apat ng buwan ng taon.

Sinabi ni Comm Romeo  Lumagui, Jr., ang mataas na koleksyon ay patunay na tumalima ang mga Filipino sa panawagan na maghain sila ng kanilang 2022 annual tax income returns sa takdang panahon at magbayad ng tamang buwis.

Ngayon taon, ang collection target ng BIR ay P2.599 trillion.

“In the days to come, we hope to see a continuous improvement in the level of voluntary compliance as the bureau continues to implement programs and projects to make payment of taxes easy,” sabi ni Lumagui.

TAGS: BIR, collection, target, tax, BIR, collection, target, tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.