Umento sa pensyon ng mga beterano na isinulong ni Estrada pirma na lang ni PBBM

By Jan Escosio June 01, 2023 - 07:59 AM

SENTATE PRIB PHOTO

Lumiwanag na nang husto ang pagtaas ng buwanang pensyon ng mga beterano at kanilang mga pamilya matapos ratipikahan ng Senado ang panukalang-batas para dito.

“Para sa mga beterano nating mga sundalo at kanilang pamilya, malaking tulong sa kanilang arawang gastusin ang pagtaas ng kanilang buwanang disability pension. Ang kasalukuyang natatanggap nila na may halaga na lang na P287 ay hindi sapat kahit man lang para makapanood sila ng sine. Paano pa kaya kung ipambibili nila ito ng kanilang gamot? Kaya makatwiran lamang na ibigay natin ang nararapat na benepisyo na utang natin sa kanila,” sabi ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada, ang principal author at sponsor ng Senate Bill 1480.

Paliwanag ni Estrada mabibigyan katarungan na ng kanyang panukalang-batas ang mga beterano, bukod pa sa mabibigyan sila ng dignidad, respeto at pag-aaruga na nararapat sa kanila.

Sa panukala, tataas sa P4,500 mula sa P1,000 ang buwanang pensyon, samantalang ang tumatanggap sa kasalukuyan ng P1,700 ay tatanggap na ng P10,000.

Ang P500 buwanang pensyon ng asawa ng beterano, gayundin ang kanilang menor-de-edad na anak ay magiging P1,000.

Ito ang ikalawang panukalang batas ni Estrada na naratipikahan ngayon 19th Congress.

Ang una, ang nag-ayos sa fixed term sa AFP ay naging batas na, ang RA 11939 o ang Act Further Strengthening Professionalism and Promoting the Continuity of Policies and Modernization Initiatives in the AFP.

TAGS: beterano, military, Pension, beterano, military, Pension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.