Satisfaction rating ng Aquino administration bumaba-SWS
Dalawang linggo bago ang pagtatapos ng administrasyong Noynoy Aquino, inanunsiyo ng Social Weather Stations (SWS) ang pagbaba pa ng satisfaction rating ng gobyerno.
Sa isinagawang survey noong Abril, sa 1,500 adult respondents sa buong bansa, umani lamang ng 35 percent net satisfaction rating ang administrasyon.
Ito ay mas mababa ng 4 percent mula sa 39 percent noong nakaraang Disyembre.
Ang malaking pagbaba ay naitala sa Metro Manila kung saan ang naitalang 36 percent ay bumaba ng 19 points kayat naging 17 percent na lang ito noong Abril.
Sa pangkalahatan, 60 percent pa rin ang ‘satisfied’ sa trabaho ng Aquino administration, 26 percent ang ‘dissatisfied’ at 14 percent ang ‘undecided’.
Ang overall rating ng Aquino government ay ikinukunsidera pa rin na ‘good’, samantalang ang ‘good’ rating kay Ginoong Aquino ay naging ‘moderate’ na lang dahil na rin sa ‘neutral zero’ rating nito sa Kalakhang Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.