Trilateral maritime at air patrol isasagawa ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia
Muling iginiit ng bansang Pilipinas, Malaysia at Indonesia ang pangangailangan na masolusyunan ang mga banta o regional maritime at security challenges na nakakaaapekto sa 3 bansa.
Sa inilabas na joint statement, matapos ang isinagawang trilateral meeting na dinaluhan ng mga defense ministers ng tatlong bansa, napagkasunduan ang pagtatalaga ng trilateral maritime, at air patrol sa maritime areas of common concern.
Bunsod nito, plano ng tatlong bansa na magtatag ng Trilateral Maritime Patrol Working Group o TMPWG at magtalaga ng Maritime Command Centers na syang may responsibilidad para sa tasking at deployment ng kanilang mga assets.
Layunin ng hakbang ang pagkakaroon ng coordinated activities na nakatutok sa maritime security at ang posibilidad na makapagtayo ng joint military command post sa mga piling lokasyon.
Maliban pa dito, napagkasunduan din na magtalaga ng transit corridor at magbahagi ng mga impormasyon at intel at trilateral database sharing para maging epektibo ang pagbabantay sa karagatan laban sa mga kidnappers at mga armadong bandido.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.