Thai company mamumuhunan ng $2.5-B sa agri-tech sa Pilipinas
By Chona Yu May 31, 2023 - 03:23 PM
Ikinagalak ni Pangulong Marcos Jr. ang plano ng Charoen Pokphand Group (C.P. Group) ng Bangkok na mamuhunan ng humigit-kumulang $2.5 bilyon sa pagpapaunlad ng teknolohiyang pang-agrikultura sa bansa,.
Ibinahagi ng kumpanya ang balita sa isang courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang.
Ang pamumuhunan ng naturang kumpanya ay resulta ng pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa C.P. Group noong Nobyembre 2022 bilang bahagi ng kaniyang pagbisita sa Thailand.
Batay sa expansion plans at business integration, target ng C.P. Group na mag-invest ng US$2.5 billion mula 2023 hanggang 2027.
Sakop ng nasabing halaga ng investment ang swine ($1.3 billion), poultry ($280 million), shrimp ($800 million), at food ($120 million).
Sinabi ng pangulo na nakabibilib ang teknolohiya na ginagamit ng nasabing kumpanya.
Ayon sa mga opisyal ng C.P. Group dadalhin nila sa Pilipinas ang state-of-the-art technology.
“We will discuss amongst ourselves with all the others, those who will be helping put together the project. We will certainly see what is the most ideal way,” ayon sa pangulo.
Ang C.P. Group ang nangungunang holding company sa Thailand at mayroon itong investments sa 21 mga bansa at nag-ooperate sa mahigit 200 subsidiaries, at may empleyado na mahigit 300,000 na katao.
Sa pakikipagpulong sa Pangulo, sinabi ng mga opisyal ng kumpanya na kakailanganin nila ng tulong para makahap ng 400 ektarya ng lupain para sa aquaculture (shrimp) at 300 ektarya para sa swine at poultry.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.