‘Longest day’ ng 2016, mararanasan ng Pilipinas ngayon
Mararanasan ng Pilipinas at iba pang mga bansa ang pinakamahabang araw ng 2016 ngayong Martes, June 21.
Paliwanag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maiksi ang gabi at mahaba ang araw sa kasagsagan ng Summer Solstice na mangyayari June 21, alas-6:34 ng umaga.
Ang summer solstice ang hudyat ng pagsisimula ng summer sa northern hemisphere, at ang simula ng southward movement ng araw sa ecliptic.
Base sa extended weather outlook ng PAGASA, sisikat ang araw ngayon ng 5:28 ng umaga at lulubog ng 6:28 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.