500 gov’t employees tatanggap ng cybersecurity training
Nasa 500 na kawani ng gobyerno ang bibigyan ng cybersecurity scholarship ng Department of Information and Communications Technology (DICT at Google Philippines.
Ayon sa DICT, layunin ng programa na sanayin ang mga empleado ng gobyerno sa pagtukoy at paglaban sa mga posibleng banta sa cybersecurity ng bansa, partikular na pagdating sa paghahatid ng digital na serbisyo.
Sa pamamagitan ng tatlo hanggang anim na buwan na self-paced program, ang mga kuwalipikado ay sasailalim sa training para sa isang entry-level na trabaho sa cybersecurity kahit na walang paunang karanasan.
Hindi pa naman tinukoy ng DICT kung saang tanggapan ng gobyerno ang mabibigyan ng scholarship.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.