Self-regenerating pension plan sa PNP at AFP, ilalatag ni Pangulong Marcos

By Chona Yu May 20, 2023 - 06:02 AM

 

Itinutulak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkakaroon ng “self-regenerating” pension plans para sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Sa panayam kay Pangulong Marcos sa Pagudpud, Ilocos Norte, sinabi nito na target niyang magkaroon ng sariling pension plan ang AFP at PNP para hindi maubos ang pondo.

Nais kasi ng Pangulo na magkaroon na ng buwanang hulog ang mga pulis at sundalo para sa kanilang pensyon.

Sa ngayon kasi, tinutustusan ng gobyerno ang pensyon ng mga pulis at sundalo.

Mas maganda ayon sa Pangulo na unahan na at maiayos ang sistema bago mahuli ang lahat.

Paliwanag ng Pangulo, kapag hindi naobliga ang mga pulis at sundalo na maghulog ng kontribusyon, asahang masasaid ang pondo sa susunod na lima hanggang anim na taon.

Sinabi naman ng Pangulo na nais niyang bigyan ng programang pabahay ang mga pulis at sundalo maging ang iba pang uniformed personnel.

 

TAGS: AFP, Ferdinand Marcos Jr., news, pensyon, PNP, Radyo Inquirer, AFP, Ferdinand Marcos Jr., news, pensyon, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.