Pinasalamatan ng Lakas -CMD si Vice President Sara Duterte sa mga naibahagi nito sa partido.
Sa inilabas na pahayag ng partido sa pamamagitan ni Sec. Gen. Rep. Joboy Aquino, partikular silang nagpapasalamat sa pagtulong ni Duterte na makabuo ng Unity Team at positibong pagbabago sa lipunan.
“As we respect her decision, we understand her reason for leaving the political party,” ang pahayag ng Lakas-CMD.
Dagdag pa: “We also support her call for all political leaders to unite in support of President Ferdinand Marcos, Jr., and for all of us to work for the success of this administration for the benefit of our people.”
Inihayag din ng partido ang kanilang paniniwala na aangat ang buhay ng mgq Filipino sa pamamagitan ng pagkakaisa.
Nagbitiw bilang miyembro ng Lakas si Duterte kasunod nang pagpapatalsik kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior House deputy speaker at ibinaba na lamang siyang deputy speaker.
Si Arroyo ang chairperson emeritus ng Lakas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.