Paglobo ng COVID 19 cases’ hospital admissions ikinukunsidera

By Jan Escosio May 19, 2023 - 11:42 AM

INQUIRER PHOTO

Naobserbahan ng isang grupo ng mga pribadong ospital sa bansa ang pagdami ng mga pasyente ng COVID 19 na ipinapasok sa mga ospital.

Ibinahagi ni  Dr. Jose de Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI), na napuna nila na sa nakalipas na mga araw ay may dahan-dahan na pagdami ng mga tinamaan ng COVID 19 ang na-connfine sa private hospitals.

Paglilinaw lang niya na hindi biglaan ang paglobo ng kanilang mga pasyente at hindi puno ang kanilang mga ospital.

Aniya ang COVID-19 bed occupancy rates sa ilang ospital ay humigit na sa 20% at 50%.

Kabilang ang Metro Manila sa mga may pinakamataas na bilang ng mga naospital dahil sa COVID 19, bukod sa Western Visayas at Davao Region.

Hanggang kahapon ang aktibong kaso sa buong bansa ay 16,504, ayon sa Department of Health (DOH).

 

TAGS: COVID-19, doh, HOSPITALS, NCR, COVID-19, doh, HOSPITALS, NCR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.