Multiple murder complaints ikinasa kay Rep. Arnie Teves

By Chona Yu May 17, 2023 - 05:54 PM

Sinampahan na ng  National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice si suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie”  Teves Jr., kaugnay sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Isinampa ang asunto dalawang buwan matapos idawit si Teves sa pagpatay kay  Roel Degamo at sa siyam iba pa.

Ayon kay Justice Sec. Crispin Remulla, multiple murder at frustrataed murder complaints ang inihain laban kay Teves.

Sinabi pa ng kalihim isang panel of prosecutors ang bubuuin para tanggapin ang mga dokumento.

Unang ipinagharap ng kasong illegal possession of firearms and explosives si Teves at ilan niyang kaanak.

Ilang beses na rin itinanggi ni Teves na may kinalaman siya sa pagpatay kay Degamo at hiniling na makakabuti na pagtuunan ng pansin ng awtoridad ang ibang anggulo.

TAGS: DOJ, multiple murder, NBI, teves, DOJ, multiple murder, NBI, teves

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.