NDRRMC, inabisuhan ang publiko sa matinding traffic na idudulot ng gagawing shake drill sa Miyerkules

By Ruel Perez June 20, 2016 - 10:09 AM

Shakedrill road closures Ngayon pa lang ay nagbabala na sa mga motorista ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa magiging mabigat na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Metro Manila sa Miyerkules, June 22 para sa ikalawang Nationwide Earthquake Drill.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mina Marasigan, maapektuhan ng matinding traffic ang mga kalsada sa paligid ng mga quadrant o mga lugar na pagdadalhan ng mga evacuees, partikular sa Intramuros Maynila, Veterans Memorial Medical Center, Villamor Airbase at sa Santolan LRT 2 depot.

Maging ang daloy ng trapiko sa EDSA Gudalupe ay pansamantala titigil dahil sasanayin dito ang senaryo kung saan kunwari’y nag-collapse ang Guadalupe Bridge dahil sa malakas na lindol.

Kaya naman ngayon pa lang humihingi na ng paumanhin at pag unawa sa mga motorista si Marasigan

Kailangan anyang gawin ang earthquake drill na ito para maplantsa ang mga ihinandang protocol ng gobyerno at malaman ng publiko ang gagawin sakaling tumama ang The Big One sa Metro Manila.

Inaasahan ng NDRRMC na aabot sa milyon ang sasali ngayon kumpara noong unang shake drill na umabot din ng mahigit 173,000 katao.

 

TAGS: Metro Manila shake drill, Metro Manila shake drill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.