‘Star Trek’ actor Anton Yelchin, nasawi sa aksidente sa Los Angeles
Patay ang 27 anyos na ‘Star Trek’ actor na si Anton Yelchin matapos maaksidente sa Los Angeles.
Ang publicist ni Yelchin na si Jennifer Allen ang nagkumpirma ng kaniyang pagkasawi.
Nag-alala umano ang mga kaibigan ng aktor matapos itong mabigo na sumipot sa kaniyang rehearsal noong Sabado ng gabi, at nang magsimulang mag-imbestiga ang mga pulis, natagpuan ang aktor sa kaniyang driveway ala 1:00 ng madaling araw ng Linggo.
Wala namang ibang sasakyan na nakita sa lugar kaya pinaniniwalaang self-accident ang naganap.
Ayon kay Jenny Houser, tagapagsalita ng Los Angeles Police District, sa inisyal na imbestigasyon, naatrasan si Yelchin ng kaniyang sasakyan.
Lumabas si Yelchin bilang Chekov sa Star Trek films noong 2009 at 2013.
Sa darating na July ipapalabas ang ikatlong Star Trek film.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.