Done deal na ang tambalang senador Grace Poe at senador Francis Escudero sa 2016 presidential elections.
Ayon kay Senador Sergio Osmeña, ito ang dahilan kung kaya patuloy na kinakausap ni Pangulong Benigno Aquino III si Poe para mawala sa eksena sa pampangulahang labanan.
Giit ni Osmena, nais ng Pangulo na maging Bise-Presdente lamang si Poe ni Interior Secretary Mar Roxas.
Ibinunyag pa ni Osmeña na nais din lang ni Poe na makuha ang endorsement ng Pangulo kung kaya patuloy itong nakikipagpulong sa Chief Executive.
Sa paniwala ni Osmeña, magiging four-way fight ang labanan sa 2016 elections.
Maglalaban-laban aniya sa pagkapangulo sina Poe, Roxas, Vice President Jejomar Binay at Mayor Rodrigo Duterte.
Hindi aniya dapat na maging kampante ang mga pulitikong nangunguna ngayon sa mga pre-election presidential survey dahil malaki pa ang tsansa na mabago ang political landscape sa bansa bago ang mismong araw ng halalan./ Chona Yu
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.