Halos 600 Filipino nakabalik na ng bansa mula Sudan

By Jan Escosio May 16, 2023 - 08:41 AM
Naiuwi na ng Pilipinas ang halos 600 Filipino mula sa Sudan.   Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary  Eduardo de Vega at aniy ang eksaktong bilang ay 599 at may 71 pa ang nasa Port of Sudan at hinihintay na lang ang biyahe pabalik ng Pilipinas.   Ayon pa kay de Vega, wala na rin naiwan na Filipino sa Cairo, Egypt.   Hinihintay pa rin aniya nila ang ibang Filipino na hihiling na makabalik na ng bansa at dagdag pa niya may ilan na nagtungo lamang sa ibang lugar.   Kabilang naman ang isang Filipino cancer patient sa 35 na nakauwi ng Pilipinas noong araw ng Linggo.   Inulit din ni de Vega na ang lahat ng mga nagta-trabahong Filipino sa Sudan na piniling bumalik ng Pilipinas ay makaka-asa ng sapat na tulong mula sa gobyerno.

TAGS: Cairo, DFA, Egypt, giyera, gulo, news, Radyo Inquirer, Sudan, Cairo, DFA, Egypt, giyera, gulo, news, Radyo Inquirer, Sudan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.