Black Friday protest ikinasa sa pagtutol sa DBP-Landbank merger
Lumalawig ang suporta sa mga kawani ng Development Bank of the Philippines (DBP) na tutol sa pag-iisa sa kanila ng Land Bank of the Philippines (LBP).
Sa ikatlong Black Friday protest ng DBP Employees Union, dumating ang mga pangulo at opisyal ng ibat-ibang unyon ng mga empleado ng ilang ahensiya ng gobyerno, kabilang ang sa Pagcor, PCSO, Social Security System at PTV 4.
Paliwanag ni Charles Coronejo, pangulo ng DBPEU, mariin nilang tinutulan ang “merger” dahil sila ang madedehado.
Aniya ang kanilang mga local branches ang isasara na magreresulta sa pagkawala ng trabaho ng kanilang libo-libong empleado.
Hindi rin aniya naiintindihan ang dahilan ni Finance Sec. Benjamin Diokno na pag-isahin ang dalawang government banks gayung kapwa naman kumikita.
Binanggit pa nito na maging ang kanilang mga opisyal ay tutol sa naturang plano at ito ay naiparating na sa Malakanyang.
Ayon pa kay Coronejo, hinihintay na lamang niya na ipatawag sila sa Senado at Kamara para maipaliwanag sa mga mambabatas ang kanilang posisyon at mariin pagtutol sa “merger.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.