Tinapos na ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang pagdinig sa political killings sa bansa, na sumentro sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Nakapagkasa ng limang pagdinig ang pinamumunuan ni dela Rosa na Committee on Public Order.
Ayon sa senador napagbigyan niya ang lahat na makapagsalita at umabot sa 80 testigo ang humarap sa pagdinig.
Nagpalitan ang mga ito ng mga alegasyon at may mga naibahagi pang mga personal na bagay ukol kay Degamo.
Kaugnay naman sa mga kaso ng patayan sa Negros Oriental, sinabi ni dela Rosa na wala maaring maging “malinis” sa mga Teves,maging sa mga Degamo.
Pagbabahagi niya, siya pa ang hepe ng pambansang pulisya ay nakuha na ang kanyang atensyon niya ng mga patayan sa lalawigan at base sa mga impormasyon ay nabanggit ang dalawang pamilya.
Nagpahiwatig pa ito na hindi pa siga noon si Teves dahil alam ng mambabatas na hindi siya makakalusot sa kanila ni dating Pangulong Duterte.
Kumpiyansa si dela Rosa na makakagawa siya ng komprehensibong final committee report bagamat hindi nakadalo si Teves.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.