Duterte, iimbestigahan sa anti-crime drive nito-Hontiveros

By Jay Dones June 20, 2016 - 05:01 AM

risa hontiverosIsusulong ni Senator-elect Risa Hontiveros sa Senado na maimbestigahan ang mga planong gawin ni President-elect Rodrigo Duterte para masawata ang krimen sa bansa.

Dahil dito, hinihiling ni Hontiveros sa kapwa niya mga Senador na ipanatili ang kanilang pagiging isang ‘independent’ upang mapanatili ang ‘check and balance’ sa tatlong sangay ng pamahalaan.

Giit ni Hontiveros, bahagi ng kanilang mandato bilang halal na opisyal na tiyakin na mapapangalagaan ang karapatan ng mamamayan.

Mananatili rin aniya ang alyansa ng kanyang partidong Akbayan sa Liberal Party bagama;t handa silang makipag-usap sa PDP-Laban ni Duterte upang maabot ang isang ‘strong ang independent’ Senate.

Matatandaang noong June 8, sinabi ni Duterte na hindi siya dapat pakialaman ng mga mambabatas kanyang gagawing anticrime campaign.

Kahapon, Linggo, nagtungo si Hontiveros kasama ang kanyang pamilya sa Cebu City at nanumpa sa harap ni Cebu Governor Hilario Davide III.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.