Labuan Bajo, Indonesia – Inimbitahan ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim si Pangulong Marcos Jr. na bumisita sa Malaysia.
Sa panayam kay House Speaker Martin Romualdez sa Labuan Bajo, Indonesia, sinabi nito na ito ay para talakayin ang pagpapapalakas sa kalakalan ng dalawang bansa.
Ayon kay Romualdez, nagkaroon ng maiksing pag-uusap sina Pangulong Marcos at Anwar sa sidelines ng 42nd ASEAN Summit sa Indonesia.
Sabi ni Romualdez, maaring paunlakan ng Pangulo ang imbitasyon ni Anwar sa buwan ng Hulyo bago ang kanyang State of the Nation Address (SONA).
Kinamusta din ni Anwar kay Pangulong Marcos kung ano na ang sitwasyon ngayon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Isa ang Malaysia sa mga tumulong para maayos ang BARMM.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.