Pagpayag ng Comelec na extension sa SOCE, sablay-Brillantes

By Isa Avendaño-Umali June 20, 2016 - 04:47 AM

 

Inquirer file photo

Isang ‘bad precedent’ para sa mga susunod na halalan ang pasya ng Commission on Elections o COMELEC na pagbigyan ang hiling ng Liberal Party at talunang standard bearer nito na si Mar Roxas na palawigin ang deadline para sa paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Ito ang pahayag ni dating COMELEC chairman Sixto Brillantes, na nagsabi pang wala nang maniniwala sa itatakdang deadline ng poll-body sa iba pang darating na halalan.

Ayon kay Brillantes, iisipin na rin ng iba pang partido politikal na uubrang humirit ng extension sa COMELEC, dahil tiyak na ihahalimbawa o ira-rason ang pagpabor ng komisyon sa LP.

Matatandaang sa botong 4-3, nagdesisyon ang COMELEC en banc na i-extend ang period for filing ng SOCE, na ang orihinal na deadline ay noong June 8, pero ngayon ay ginawa nang June 30.

Mismong ang pinuno ng COMELEC campaign finance office na si Commissioner Christian Robert Lim ang nagrekumenda na ibasura ang rerquest ng LP at ni Roxas, ngunit ito’y nabalewala.

Ito ang dahilan kaya sinabi ni Lim na magbibitiw na siya sa pwesto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.