Pag-demolish sa DENR building, isang pagkakamali – Sec. Paje

By Kathleen Betina Aenlle June 20, 2016 - 04:31 AM

 

denr-logoRenovation lamang at hindi dapat demolition ang gagawin sana sa dalawang palapag na lumang gusali ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City.

Inamin ni outgoing Environment Sec. Ramon Paje na nagkaroon ng pagkakamali sa pagpapatayo ng bagong gusali para sa Foreign-Assisted and Special Projects Office (FASPO) ng kagawaran.

Kamakailan lamang ay nais pagbayarin ng Commission on Audit (COA) ang mga opisyal na responsable sa nasabing pagkakamali ng P20.4 million para sa halaga ng gusaling dinemolish noong January 2014.

Base sa audit observation memorandum noong March 14, pinayagan ni Paje si Asst. Sec. Rommel Abesamis na palitan ang naunang planong P5 milyong kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Imbis na renovation lang, ginawa umano itong construction nang hindi man lang ipinapaalam sa ibang mga opisyal.

Ayon sa ilang mga source, ang bagong buidling ay magkakaroon ng anim na palapag, kabilang na ang basement parking at helipad.

Inabswelto naman ni Paje sa responsibilidad ang itinalaga niyang tao para sa construction ng nasabing gusali at itinuro ang ilang mga tao na aniya ay hindi maingat sa pagde-desisyon.

Nauwi aniya sa ganito ang proyekto dahil tumanggi ang Department of Budget and Management (DBM) na i-realign ang pondo sa maintenance at operating expenses para sa capital outlay.

Bagaman hindi naman aniya nila sinisisi ang DPWH sa nangyari, naniniwala si Paje na dapat managot ang kung sino man ang may kasalanan dito.

Nilinaw naman ni Paje na walang fraud o graft sa pangyayari at walang perang nawala dahil sa pagkakamaling ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.