Inulan ng pag-uusisa ni Senator Raffy Tulfo si National Center for Mental Health o NCMH na si Dr. Noel Reyes dahil sa mga umano’y katiwalian na nangyayari sa nasabing pasilidad.
Kasunod ito ng pagbubulgar ng senador na ang partnership umano nina Dr. Alden Cuyos at Dr. Beverly Azucena ang nagmamaniobra ng mga kontrata sa loob ng NCMH.
Nakaharap ni Tulfo si Reyes sa pagdinig ng Committee on Health, na pinamumunuan ni Sen. Christopher Go.
Tinukoy ni Tulfo, na kasa-kasama ni Reyes ang dalawa sa kanilang mga biyahe sa ibang bansa dahil siya ang nagtalaga kay Cuyos bilang pinuno ng Bids and Awards Committee habang si Azucena ang chief ng Medical Professional Staff.
Inihalimbawa pa ng senador ang isyu sa pagkain sa mga pasyente ng NCMH, nasa sa halip na sila ang magluluto tisay kumuha pa sila ng kontratista kaya ang dati na P80 milyong budget sa pagkain ay lumubo sa P250 milyon.
At dahil hinati-htati umano ang kontrata nina Cuyos at Azucena sa almusal, tanghalian at hapunan, ang unang taon lamang ang kanilang isinailalim sa bidding dahil ang second at third Year ay pawang renewal na lamang.
Depensa naman ni Reyes, ang napatay na si Dr. Roland Cortez ang nagpasimula ng “outsourcing” ng mga pagkain dahil sa problema sa pagnanakaw ng mga pagkain.
Hindi ito nagustuhan ni Tulfo dahil sa paniniwalang mabuting opisyal si Cortez at pinatay ito dahil sa pagbulgar ng mga katiwalian sa NCMH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.