Fishing ban sa ilang bayan sa Oriental Mindoro binawi na
Binawi na ang idineklarang fishing ban sa mga bayan sa Oriental Mindoro bunga ng oil spill.
Idineklara ito ni Gov. Humerlito Dolor at aniya maari nang mangisda sa mga bayan ng Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao.
Paglilinaw lamang niya tanging mga isda lamang ang maaring hulihin at hindi ang mga shellfish.
“Linilinaw ko na isda lang ang puwedeng hulihin dahil ito palang ang napatunayang ligtas,” sabi ng opisyal.
Epektibo pa,aniya, ang fishing ban sa mga bayan ng Bansud, Gloria, Pinamalayan at Pola at ang mga mangingisda sa mga nasabing bayan ay maaring manghuli sa dagat na sakop ng Roxas, Bongabong, Mansalay at Bulalacao.
Samantala, dahil bawal pa rin ang pangingisda sa Calapan City at Naujan at kanilang mga residente ay maarin naman mangisda sa dagat na sakp ng Baco, San Teodoro at Puerto Galera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.