Biyaheng Indonesia ngayong araw si Pangulong Marcos Jr., para dumalo sa 42nd Association of Southeast Asian Summit.
Ala una mamayang hapon aalis ang Pangulo patungo Labuan Bajo, Indonesia. Ayon sa abiso ng Malakanyang, mananatili ang Pangulong Marcos Jr., sa Indonesia hanggang sa Huwebes, Mayo 11. Isa sa mga agenda na itutulak ng Pangulo sa ASEAN ang food security sa gitna ng kinakaharap na global food crisis. Ididiga rin ng Pangulo ang usapin sa climate change pati na sa seguridad sa rehiyon.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.