Sen. Imee Marcos nais mabusisi sa Senado ang artificial intelligence sa trabaho

By Jan Escosio May 08, 2023 - 12:14 PM
Bago pa man aniya maging huli na ang lahat para sa mga manggagawa, hiniling ni Senator Imee Marcos na maimbestigahan sa Senado ang paggamit ng artificial intelligence (AI). Nangangamba si Marcos na darating ang panahon na mababalewala na ang mga manggagawa at sasandal na ang mga kompaniya sa AI. Nababahala pa ang namumuno sa Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development  na mawawala ang mga trabaho sa business process outsourcing (BPO) at mga orihinal na equipment manufacturing (OEM) na kumpanya. “Ang AI ay umuunlad nang mas mabilis kaysa inaakala ng karamihan na posibleng magdulot ng mga kawalan ng trabaho at maging kabaligtaran ng paglago nito,” babala ni Marcos. Diin niya ang dalawang industriya ang nagtaguyod sa ekonomiya ng bansa sa kasagsagan ng pandemya. Sa inihain ni Marcos na Senate Resolution No. 591 isinasaad dito ang nakababahalang prediksyon na tinatayang nasa 1.1 milyong mga trabaho sa Pilipinas ang malulusaw o mawawala pagsapit ng 2028, base na rin sa pag-aaral ng Oxford Economics at U.S. based digital technology company na Cisco. Nais ni Marcos na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga senador ukol sa AI technology para mapag-aralan ng Kongreso at Ehekutibo ang mga maaring gawing hakbang.

TAGS: ai, BPO, labor force, Senate, ai, BPO, labor force, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.