Batas sa pambansang pabahay itinutulak ni Go

By Jan Escosio May 08, 2023 - 07:45 AM
Inihirit ni Senator Christopher  Go sa Senado ang pagsasabatas ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) program, ang  flagship housing program ni Pangulong Marcos Jr. Paliwanag ni Go, layon ng kanyang Senate Bill 2108  na matiyak na mareresolba ang problema sa bahay ng pamilyang Pilipino na isa rin sa adbokasiya ng senador. Target ng programa na makapagpatayo ng anim na milyong housing units sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos Jr. Una nang nag-isyu ng kautusan ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na nagbibigay kapangyarihan sa kanilang partner local government units (LGUs) na magpatupad ng mga hakbangin upang malunasan ang housing gaps sa ilalim ng programa. Sa ilalim ng panukala ni Go, babalangkas ng komprehensibong housing plan upang mabigyan ng abot-kaya at disenteng pabahay ang mga nangangailangan at magkakaroon ng mekanismo para sa subsidized amortization at interes sa mga benepisaryo. Binanggit ng senador sa panukala na batay sa datos ng National Housing Authority (NHA) at National Economic Development Authority (NEDA), hanggang noong 2017, mahigit 1.5 milyong pamilya ang maituturing na informal settlers. Nasa halos kalahating milyong informal settler families sa National Capital Region (NCR) anya ang nasa poor conditions, kabilang ang mga naninirahan sa high-risk areas.

TAGS: DHSUD, Pabahay, DHSUD, Pabahay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.