Sen. Bong Go natuwa sa planong pagpapatayo ng pasilidad ng Moderna sa Pilipinas

By Jan Escosio May 05, 2023 - 04:05 PM

Ikinalugod ni Senator  Christopher ‘Bong’ Go ang plano ng Moderna na magpatayo ng vaccine production facility sa  bansa.

Ito ay matapos ianunsyo ng Malakanyang na plano ng Moderna na magtayo ng Shared Service Facility for Pharmacovigilance, ang kauna-unahan naman sa Asya at pangatlong pasilidad sa buong mundo.

Para sa namumuno sa Committee on Health, isa itong pagpapakita ng kumpiyansa sa gumagandang business climate ng ating bansa at maging sa expertise ng ating lokal na medical science professionals.

Magandang balita  aniya ito para mapalapit sa mga tao ang mga serbisyong pangkalusugan na kailangan para maging malusog, ligtas at produktibo ang ating mga kababayan.

Nagpasalamat rin ang senador kay Pangulong Marcos Jr. sa patuloy nitong pang-eenganyo sa mga dayuhan na mamuhunan sa Pilipinas.

Katumbas aniya ng maraming mamumuhunan ang mas maraming trabaho at pangkabuhayan para sa mga pilipino.

Muli ring isinusulong ni Go ang pagsasabatas ng panukalang pagtatayo ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines.

TAGS: Asia, moderna, vaccines, Asia, moderna, vaccines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.