PBBM Jr., FL tutulak sa London para sa King Charles’ coronation
Washington D.C.—Matapos ang limang araw na official visit sa US, biyaheng London na ngayong gabi si Pangulong Marcos Jr., para naman dumalo sa koronasyon ni King Charles.
Ayon sa Pangulo, personal niyang kakilala si Prince Charles kung kaya marapat lamang na dumalo sa koronasyon.
Paliwanag niya, hindi kasi siya nakadalo sa burol nang mamayapa si Queen Elizabeth II noong Setyemmbre ng nakaraang taon.
Ang kapatid aniya na si Irene ang dumalo sa burol dahil kilala niya rin naman si King Charles.
Sabi ng Pangulo, hindi lamang ang koronasyon ang kanyang sadya kundi ang kausapin si Prime Minister Rishi Sunak upang tingnan kung mayroong pagbabago sa kanyang pag-iisip sa pagpa-partner ng Pilipinas at UK.
Sa palagay ng Pangulo, nais ni Sunak na pagtibayin din ang relasyon ng dalawang bansa.
Hirap din kasi aniya ang ekonomiya ng UK kung kaya dapat na pag-usapan ang kalakalan pati na ang posibleng pagkuha ng mga Fillipinong healthcare workers.
Sabi ng Pangulo, sa Gatwick Airport magla-landing ang kanyang sasakyang eroplano.
Ito ay para alamin ang operasyon sa kanilang airport at titingnan kung maaring magamit sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.