Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa mga susunod na araw
Matapos ang serye ng price increases, makakaasa naman ang publiko ng rollback sa halaga ng mga produktong petrolyo anumang araw mula ngayon.
Batay sa impormasyon mula sa energy sector, 55 hanggang 65 centavos ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel.
65 hanggang 75 centavos naman ang kaltas sa bawat litro ng gasoline, habang 40 hanggang 50 centavos sa kada litro ng kerosene.
Base sa domestic oil prices mula sa Department of Energy sa of June 14, 2016, naglalaro sa P25.70 hanggang P28.95 ang presyo ng kada litro ng diesel, samantalang P36.30 hanggang P43.35 ang halaga ng bawat litro ng gasolina.
Inaasahan na mababago ito dahil sa price rollback na nakaambang ipatupad ng mga kumpanya ng langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.