Power interruption sa NAIA pinaaksyunan na ni Pangulong Marcos sa DOTr
Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Transportation (DOTr) na gawin ang mga kinakailangang hakbang upang maibalik sa normal ang power operations ng NAIA Terminal 3.
Pahayag ito ng Pangulo matapos makaranas ng malawakang power interruption ang NAIA dahilan para ma stranded ang libu-libong pasahero.
Nasa 46 na flights ang nakansela dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente.
Matatandaan na noong Enero 1, 2023 nakaranas ng problema sa air navigation ang NAIA dahilan para makansela ang ilang flights at ma-stranded ang mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.