Marcos suportado ang hosting ng 2023 FIBA World Cup

By Chona Yu May 01, 2023 - 05:38 PM
Suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdaraos ng FIBA Basketball World Cup 2023 (FBWC) sa Agosto. Sa pagdalaw ng mga miyembro ng FIBA Central Board kasama ang delegado mula sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na ang isports ay isa sa larangang binibigyang-pansin ng kanyang administrasyon. Sa pagdaraos ng FBWC sa bansa, sinabi ni Marcos na maasaahan ng organisasyon ang buong suporta ng pamahalaan. Ginanap ang huling FBWC sa bansa noong 1978 sa panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. “I was there when my father first tossed the ball and I’m quite pleased to be able to — I didn’t realize that that was the first time that it happened here in the Philippines,” ani Pangulong Matrcos. “And I’m happy that I will be there for the time that it will — the FIBA events will return — World Cup now, will return to the Philippines. So it would be an honor for me to reenact perhaps, reenact what my father did in 1978,” dagdag pa nito. Pinuri rin ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng FIBA at SBP Chairman Emeritus at FIBA member Manuel Pangilinan sa pagsusumikap nito upang maisagawa ang kompetisyon sa bansa. Mataas ang kumpiyansa ng pangulo na magiging matagumpay ang World Cup 2023 lalo na’t popular ang basketball sa bansa. Ang FIBA ay asosasyon na binuo pa noong 1932 upang pamahalaan ang mga kompetisyon sa larong basketball.

TAGS: basketball, Ferdinand Marcos Jr., FIBA, World Cup, basketball, Ferdinand Marcos Jr., FIBA, World Cup

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.