Militar, bukas sa utos ni Pangulong Aquino na “refinements” sa opensiba kontra Abu Sayyaf
Hindi kokontra ang hanay ng militar kung may babaguhin o aayusin sa kanilang opensiba laban sa Abu Sayyaf Group.
Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Noynoy Aquino na magkaroon ng “refinements” sa operasyon ng militar laban sa ASG.
Ayon kay Western Mindanao Command spokesperson Major Filemon Tan Jr., tiniyak nila na susundin ang utos ng pangulo upang masiguro ang kaligtasan at kalayaan ng natitira pang bihag ng bandidong grupo.
Ginagalang aniya nila ang “strategic decision” ng pangulo na kailangan nilang maipatupad.
Matatandaang pinugutan na ng ulo ng Abu Sayyaf ang dalawa sa kanilang bihag na sina Canadian nationals Robert Hall noong Lunes, June 13 at John Ridsdel noong April.
Nagbanta na naman ang Abu Sayyaf na may panibago silang pupugutan ng ulo sa dalawa pa nilang natitirang bihag partikular na ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad.
Kabilang pa sa dalawang natitirang bihag ng bandidong grupo ay ang pinay na girlfriend ni Hall na si Marites Flor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.