Pagbasura sa TRO petition vs SIM registration malaking tulong – Poe
Napatunayan ang kahalagahan ng SIM Registration Act sa pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon na ipatigil ito.
Ito ang sinabi ni Sen. Grace Poe at aniya ang desisyon ng SC ay malaking tulong sa pagpapatuloy ng pagpaparehistro ng SIM.
“It affirms the need to have all mobile subscribers get enlisted for our safe mobile use,” ani Poe.
Hinikayat niya ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at ang telcos na madaliin ang pagkakaroon ng 5G speed para mas mahikayat ang subscribers na irehistro ang kanilang SIM.
Dapat din aniya pagtuunan ng pansin ang mga balakid sa pagpaparehistro ng SIM, tulad na lamang ng kakulangan ng government ID.
“We aim for a law that is inclusive to give our people a secure mobile environment,” sabi pa ni Poe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.