Dagdag karapatan, benepisyo sa mga kasambahay isinusulong ni Sen. Alan Cayetano

By Jan Escosio April 27, 2023 - 09:04 AM

Itinutulak ni Senator Alan Peter Cayetano ang pagiging batas ng panukala para sa karagdagang karapatan at benepisyo ng mga kasambahay sa bansa.

Sa Senate Bill 229 o ang Enhanced Kasambahay Act, bibigyan ng isang oras para sa pag-aaral kada araw ang mga kasambahay para sa “alternative or skills education.”

Hinikayat din niya ang gobyerno na bumuo ng practical module para sa “alternative learning” ng mga kasambahay at ito ay maaring gawin na bubuuin na Kasambahay Education Inter-Agency Committee.

“We want to reduce social inequalities by allowing our kasambahays to self-improvement learning, para naman hindi sila habangbuhay na stuck sila sa pagiging kasambahay,” ayon kay Cayetano.

Nais din nito na bigyan ng mga lokal na pamahalaan ang mga kasambahay sa kanilang nasasakupan ng maintenance drugs para sa diabetes, hypertension, asthma, tuberculosis, at iba pang chronic illnesses na tinukoy ng Department of Health (DOH).

Ang mga gamot, sabi pa ni Cayetano, ay buwanang isusuplay sa mga nangangailangan na kasambahay at ikakasa ito sa ilalim ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“Developing a more comprehensive measure for the welfare of our kasambahays will enable them to maintain good health conditions and help upskill their potential,” dagdag pa ng senador.

TAGS: benepisyo, gamot, kasambahay, benepisyo, gamot, kasambahay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.