Pagbuntot ng barko ng China sa PCG vessels tinawag ni Senador JV Ejercito na bullying

By Chona Yu April 26, 2023 - 09:51 AM

 

Tinawag ni Senador JV Ejercito na bullying ang pagbuntot ng isang barko ng China Coast Guard sa dalawang Philippine Coast Guard Vessels na patungong Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon sa United States-based security monitoring group, hindi ito ang unang pagkakataon na binuntutan ng Chinese counterparts ang PCG vessel sa nabanggit na bahagi ng Philippines’ Exclusive Economic Zone (EEZ).

Noong linggo ay nagtungo ang BRP Malapascua at BRP Malabrigo sa Ayungin Shoal at binuntutan ito ng Chinese-flagged vessel  na dati nang nasa lugar.

Pumuwesto umano ang dalawang barko ng PCG sa east side ng Ayungin habang pumosisyon naman ang CCG  vessel para harangan ang anumang pagtatangka na makapasok sa Ayungin Shoal.

Linggo ng hapon nang tumigil ang Malapascua at Malabrigo sa labas ng Ayungin Shoal, mga isang kilometro mula sa Sierra Madre.

 

TAGS: ayungin shoal, China, JV Ejercito, news, Radyo Inquirer, West Philippine Sea, ayungin shoal, China, JV Ejercito, news, Radyo Inquirer, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.