Comelec, nagpaliwanag sa pasyang payagan ang extension ng filing ng SOCE

By Dona Dominguez-Cargullo June 17, 2016 - 11:14 AM

guanzonPinaliwanagan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang mga kumukwestyon sa pasya ng poll body na pagbigyan ang kahilingan ng Liberal Party na extension sa paghahain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Guanzon na hindi ipinagbabawal sa ilalim ng batas ang pagbibigay ng extension.

Katunayan, noong 2010 at 2013 ay pinayagan din aniya ng Comelec ang SOCE extension at nakinabang ditto ang maraming partidong pulitikal at mga kandidato.

“The law does not prohibit extension. Comelec, extended SOCE in 2010, 2013 too. All political parties & candidates benefit from extension,” ayon kay Guanzon.

Pinagsabihan din ni Guanzon ang United Nationalist Alliance (UNA) sa patuloy nitong paggigiit na hindi dapat pinayagan ng Comelec ang hirit ng LP.

Ipinaalala ni Guanzon sa UNA na naging mapagbigay din ang Comelec sa nasabing partido nang humingi sila noon ng extension sa pagsusumite ng pirma para sa Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng kanilang mga kandidato.

Kung hindi aniya pumayag ang Comelec sa hirit noon ng UNA na payagan ang late filing ng CONA signatures ay walang magiging partido ang kanilang mga kandidato kabilang na si Vice President Jejomar Binay.

“We relaxed the rules for UNA when they filed list of CONA signatures late. Their candidates would have been without party including Binay,” paliwanag ni Guanzon.

Maliban sa LP at UNA, sinabi ni Guanzon na hindi rin naging mahigpit ang Comelec sa substitution ni President-elect Rodrigo Duterte bilang presidential candidate ng PDP-Laban.

Ani Guanzon, nagpasya ang Comelec na i-relax ang rules noon sa substitution ni Duterte dahil nais nilang mabigyang laya ang mamamayan na makapili ng nais nilang maihalal.

“In Duterte case, we construed rules liberally even if there’s gap in the law and rules, substitution granted. We relaxed rules for Duterte because I said let the people have a choice. For UNA also. Now for LP, PMP,” ayon pa kay Guanzon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.