Sen. Alan Cayetano sa pagbibigay serbisyo publiko: Responsibilidad, hindi kapangyarihan ang isipin

By Jan Escosio April 24, 2023 - 06:41 PM

TAGUIG LGU PHOTO

Hinamon ni Senator Alan Peter Cayetano ang mga lokal na opisyal ng Lungsod ng Taguig na tutukan ang pagtupad sa kanilang mga responsibilidad sa halip na bigyang-diin ang pagkakaroon ng kapangyarihan.

Sa kanyang mensahe kasabay ng pagdiriwang ng ika-436 anibersaryo ng pagkakatatag ng Taguig City, hinimok ni Cayetano ang mga opisyal na palaging ibigay ang kanilang buong makakaya sa pagseserbisyo sa kapwa dahil aniya  ay para sa Panginoon. “‘Pag kasi sinasabi ng politiko, ‘Panahon ko ngayon,’ para bang ang ine-emphasize ay y’ung power. Pero ang kailangan nating i-emphasize ay y’ung responsibility,” aniya. Binanggit ng senador ang ilan sa mga dapat asikasuhin ng mga opisyal para sa kapakanan ng kanilang mamamayan. “Napaganda ba y’ung mga scholarship ng ating mga kabataan? Do the senior citizens feel that they’re productive at lahat ng pangangailangan nila [ay napupunan]? Ang PWDs ba natin, mas naging accessible [para sa kanila] ang ating parks at facilities?” pahayag niya. “Do the Taguigeños feel na kapag nagkasakit sila may matatakbuhan sila? Is our preventive care even better?” dagdag niya. Hiniling din ng senador sa mga Pilipino na ipanalangin ang mga taga-Taguig habang patuloy nilang pinagsusumikapang pairalin ang kulturang nais ng Panginoon at hindi ang kulturang gusto nila. “That’s why po ang ginagamit natin sa Taguig ay ‘I Love Taguig.’ If we love our neighbor, if we love God, if you love your city, dapat mahalin ka rin pabalik ng inyong siyudad,” pahayag niya. Nagpasalamat si Cayetano sa Diyos sa kanilang “Probinsyudad” bago magpasalamat sa kanyang asawang si Taguig Mayor Lani Cayetano, na siyang namuno sa selebrasyon na ginanap kasabay ng flag ceremony ng pamahalaang lungsod katuwang ang iba pang mga opisyales. “Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa ating Probinsyudad, y’un pong magandang ugali ng probinsyano, y’un pong pagiging isang pamilya ng magkakapitbahay, pero y’ung modern amenities po ng isang siyudad,” wika pa ng senador.

TAGS: Cayetano, local officials, public service, taguig, Cayetano, local officials, public service, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.