NEA humirit ng tatlong linggo para ayusin krisis sa kuryente sa Occidental Mindoro

By Jan Escosio April 24, 2023 - 12:43 PM

Humingi ang National Electrification Administration (NEA) ng tatlong linggo para makapaglatag ng mga konkretong solusyon sa krisis sa kuryente sa Occidental Mindoro.

Ito ang ibinahagi ni Sen.Raffy Tulfo sa kanyang pakikipagpulong kay NEA Administrator Antonio Almeda kahapon.

Nakipagpulong si Tulfo kay Almeda dahil higit isang buwan ng 20 oras na walang kuryente sa lalawigan kada araw.

Aniya ibinahagi sa kanya ni Almeda na may ginawa ng mga hakbang ang NEA para masolusyonan ang isyu sa kuryente.

Magugunita na bago ang Semana Santa, nagpulong na ang dalawa ukol sa isyu.

Kabilang sa mga hakbang ay pakikipagtulungan sa Department of Energy, National Power Corp.,  Department of Finance at DMCI Power Corp.

TAGS: crisis, Energy, Occidental Mindoro, power, crisis, Energy, Occidental Mindoro, power

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.