Sigalot sa West Philippine Sea, hindi salamin ng relasyon ng Pilipinas at China

By Chona Yu April 22, 2023 - 02:46 PM

 

Hindi kabuuan ng relasyon ng China at Pilipinas ang usapin sa West Philippine Sea.

Pahayag ito ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa pakikipagpulong kay Chinese Foreign Minister Qin Gang.

Ayon kay Manalo, ang hindi pagkakaunawaan sa West Philippine Sea ay hindi dapat na maging hadlang para epektibong mapakinabangan ang karapatan ng mga Filipinong mangingisda.

Sa panig ni Qin, sinabi nito na handa ang China na ipatupad kung ano man ang magiging consensus ng dalawang bansa.

Ilang beses nang naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa pagiging agresibo sa West Philippine Sea.

 

TAGS: China, chinese, news, Radyo Inquirer, Teritoryo, West Philippine Sea, China, chinese, news, Radyo Inquirer, Teritoryo, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.