Vargas suportado ang El Niño programs ni Pangulong Marcos
By Chona Yu April 21, 2023 - 09:11 AM
Nagpahayag ng buong suporta si dating three-term Congressman at kasalukuyang Quezon City Councilor Alfred Vargas sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na paigtingin ang whole-of-government response laban sa inaasahang El Niño sa bansa.
“Mahalagang nagkakaisa ang bawat sektor sa aksyon natin sa magiging epekto ng El Niño. Mahalaga rin na nakatutok ang mga ahensya ng gobyerno sa problemang ito. The response needs to be calibrated and coordinated. The President has shown exemplary leadership in this regard, ensuring that planning and implementation are cohesive and integrated,” ani Vargas.
Ayon kay Vargas, tinatayang magkakaroon ng mas matinding tagtuyot na makakaapekto sa maraming Pilipino, lalo na sa agrikultura at industriya sa panahon ng El Niño.
Ito ay batay sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mararamdaman ang epekto ng El Niño sa gitna ng taon at maaaring magdulot ito ng below-average rainfall sa maraming mga probinsya, habang makakaranas naman ng mas matinding habagat ang kanlurang bahagi ng bansa.
Base rin sa datos ng World Health Organization (WHO), tumataas ang outbreaks ng iba’t ibang sakit, malnutrition, heat stress, at respiratory diseases ang tuwing El Niño.
“Ang El Niño ay isang nationwide problem, pero tayo ring lahat ay maiaambag para maibsan ang epekto nito. Bukod sa mga malalaking ahensya ng gobyerno, kasama ang bawat pamilya sa solusyon. Ang pagtitipid at paggamit ng tubig nang naaayon sa pangangailangan ay mahahalagang hakbang na maaari nating simulan,” paalala ni Vargas.
Kamakailan ay itinatag ng Pangulo ang Water Resources Management Office bilang sagot sa hamon ng climate change na banta sa water sufficiency ng Pilipinas. Isinusulong din sa House of Representatives sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagtatayo ng isang Department of Water Resources.
“Malaking priority kay Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez ang sustainability ng ating water resources. This focus is a testament to their forward-looking leadership that places great value on our precious natural resources. After all, water is life,” dagdag ni Vargas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.