Guidelines ng 2nd booster shot sa general population inilabas ng DOH
Maari nang magpaturok ng kanilang second booster shot ng COVID 19 vaccine ang lahat ng mayroon ng 1st dose.
Kasunod ito nang pagpapalabas ng guidelines ng Department of Health (DOH) para sa 2nd booster shot ng mga nasa edad 18 pataas.
Kailangan lang na may anim na buwan na ang lumipas nang matanggap nila ang kanilang 1st booster shot.
Una nang inalok ang 2nd booster shot sa mga helath workers, may edad 50 pataas at mga may comorbidities at immunucimpromised.
Nabatid na ang maaring maibigay ng 2nd booster shot ay mga bakuna na gawa ng Pfizer, Moderna at AstraZeneca.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.