DOJ humirit ng “reopening” sa drug case ni de Lima
Hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa isang korte sa Muntinlupa City na muling mabuksan ang isa sa dalawang drug cases ni dating Senator Leile de Lima upang makapagsumite ng bagong ebidensiya at maiharap ang bagong testigo.
Nabatid na nagsumite ng urgent motion for reconsideration sa Muntinlupa RTC Branch 204 ang DOJ na layon mabuksan ang Criminal Case No. 17 -165 ni de Lima.
Naisumite na para madesisyunan ang ang nabanggit na kaso.
Ayon kay lawyer Filibon Tacardon, abogado ni de Lima, may kasunduan na ang panig ng depensa at prosekusyon na maaring nang madesisyunan ang kaso at naitakda na ang promulgasyon sa Mayo 12.
Aniya naipaalam na kay de Lima ang hirit ng DOJ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.