LTO sablay sa special lane para LGBTQ+ sabi ni Poe

By Jan Escosio April 18, 2023 - 01:09 PM

 

 

Lapse of judgement.

Ganito itinuturing ni Senator Grace Poe ang paglalagay ng isang regional office ng Land Transportation Office (LTO) ng priority lane para sa mga miyembro ng LGBTQ+ community.

Paalala ni Poe sa LTO na ang priority lanes ay ibinibigay sa mga indibidwal na may problemang pisikal at iba pang indibidwal na nahihirapan sa normal government process tulad ng pagpila.

Aniya dapat magsilbi itong pangmulat ng mga mata para mas mabuting maunawaan ang pantay sa pagbibigay ng serbisyo ng gobyerno.

Patunay din aniya ito na kailangan ng LTO na palakasin ang kanilang koordinasyon at pagsubaybay sa kanilang mga lokal na tanggapan dahil ang pagturing sa pangyayaring ito bilang isolated case ay malinaw na kabiguang administratibo.

Sinabi ni Poe na hindi ito ang unang pagkakataon dahil may mga ulat na isa pang District Office ng LTO ang naglaan ng special lane para sa LGBTQ+ kasama ang mga senior citizens, persons with disabilities at buntis noong nakaraang Valentine’s Day.

Binigyang-diin ng senadora na ang lahat ng polisiya na may kinalaman sa gender sensitivity, inclusivity at equality sa government services ay dapat na pinag-aaralang mabuti bago ipatupad at dapat ding tiyaking sumusunod ang lahat sa polisiya laban sa anumang diskriminasyon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.