West Philippine Sea tinalakay nina Pangulong Marcos at Czech Republic Prime Minister Fiala

By Chona Yu April 18, 2023 - 08:22 AM

(Courtesy: PPA)

Tinalakay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Czech Republic Prime Minister Petr Fiala ang usapin sa West Philippine Sea sa ginanap na bilateral meeting kagabi sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon sa Pangulo, pareho nilang napagkasunduan ni Fiala na bigyang halaga ang rule of law sa usapin sa West Philippine Sea.

Bukod sa West Philippine Sea, pinag-usapan din ng dalawa ang regional at international issues, Cross Trade, pati na ang giyera sa Ukraine.

Limampung taon nang mayroong diplomatic relationship ang Pilipinas at Czech  Republic.

Tinalakay din ng dalawa ang usapin sa mutual interest gaya ng defense cooperation, trade and investment, university to university linkages at labor cooperation.

 

 

TAGS: Czech Republic, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, West Philippine Sea, Czech Republic, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.