Pampanga BM Pineda-Cayabyab umapila ng dagdag pondo sa DepEd
By Jan Escosio April 17, 2023 - 11:54 AM
Humingi ng karagdagang pondo Pampangan Board Member Mylyn Pineda-Cayabyab mula sa Department of Education (DepEd) para sa pagpapatayo ng mga karagdagang paaralan sa lalawigan.
Ayon kay Pineda-Cayabyab ang kanyang hiling ay para mas maraming estudyante ang matatanggap sa mga pampublikong eskuwelahan sa Pampanga.
Ipinunto niya ang hindi pantay na bilang ng elementary, secondary, at senior high schools sa lanilang lalawigan na nagsisilbing balakid sa mga kabataan na nais makapag-aral sa kolehiyo.
“Kawawa naman po ang ating mga estudyante na nagnanais na makatapos ng high school nang sa ganun ay makapag-aral sila sa kolehiyo. Mahalagang matugunan ng pamahalaan, lalo na ng DepEd, ang mga pangangailangan ng ating mga mag-aaral para masiguro na magiging maayos ang kanilang kinabukasan,” ayon pa kay Pineda-Cayabyab, na kinatawan ng ikalawang distrito sa Sagguniang-Panglalawigan.
Pagbabahagi ng opisyal malaki ang agawat sa bilang ng elementary at high schools kayat nahihirapan ang mga mag-aaral sa elementarya na pumasok sa high school.
Banggit ni Pineda- Cayabyab, may 441 elementary schools sa Pampanga na nag-aalok ng edukasyon mula Grade 1 hanggang Grade 6, samantalang 123 lamang ang high school para sa sa Grades 7 – 12 at dalawang “stand alone” high schools para sa senior high school students.
Samantalang, may anim lamang na integrated schools na may elementary at high schools.
“Napakalaki po ng gap sa pagitan ng mga paaralang nag-o-offer ng elementary education at secondary or high school education. Mapapansin na dalawamput walong porsyento ng kabuuang bilang ng eskwelahan ang ang mayroon lang senior highschool. Agarang solusyon ang kailangan para maayos ang napalakaling mismatch sa ating mga paaralan,” pagdiiin pa Pineda-Cayabyab.
Dagdag pa niya: “Nanawagan po ako sa Department of Education na sana ay maglaan ng mas malaking pondo para sa agarang pagpapagawa ng mga karagdagang high school at senior high schools nang sa gayun ay hindi mahinto ang pag-aaral ng ating mga kabataan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.