China sa Pilipinas: Tutulan ang Taiwan independence kung pinahahalagahan ang 150,000 na OFWs

By Chona Yu April 15, 2023 - 08:29 AM

 

Nagbabala si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na manganganib ang lagay ng 150,000 na overseas Filipino workers sa Taiwan kung hindi tutulan ng Pilipinas ang isinusulong na independence o kalayaan nito.

Ayon kay Huang, isang internal affair na usapin ang Taiwan independence na hindi dapat na pinakikialaman ng ibang bansa.

Gaya aniya ito ng usapin sa Mindanao sa Pilipinas na ayaw na pakialaman ng third party sa pagresolba sa isyu ng rebelde.

Sabi ni Huang, masasangkot lamang sa gulo ang Pilipinas kung ipagagamit ng bansa ang military bases sa US forces kapag lumala ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.

Kaya payo ni Huang, dapat na tutulan ng Pilipinas ang isinusulong na Taiwan independence.

Sa ngayon, mayroon ng access ang US forces sa siyam na military bases sa bansa na nasa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (Edca).

 

 

 

TAGS: China, EDCA, Huang Xilian, military bases, news, Radyo Inquirer, Taiwan, us forces, China, EDCA, Huang Xilian, military bases, news, Radyo Inquirer, Taiwan, us forces

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.